dzme1530.ph

PAHAYAG NI VP SARA NA MARAMI ANG PUMIPERA GAMIT ANG KANYANG PANGALAN, PINALAGAN NG MGA KONGRESISTA

Loading

Bumuwelta ang mga kongresista sa binitawang pahayag ni VP Sara Duterte na “marami ang pumipera gamit ang kanyang pangalan.”
 
Hiling pa nito, “sana maambunan ang mga constituents nila ng mga pera sa kanilang bulsa at maleta.”
 
Ayon kay Cong. Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list, malaya ang Pangalawang Pangulo na sabihin ano man ang nasa kanyang isipan.
 
Pero mangyayari pa rin ang botohan sa Lunes, at sa ikalawang pagkakataon, mai-impeached siya sa dalawang magkaibang Kongreso.
 
Ang tinutukoy ni Ridon ay ang nagdaang 19th Congress subalit hindi natuloy ang trial dahil sa inupuan ng Senado at nanghimasok ang Korte Suprema, at ngayon naman magbo-botohan ang mga kongresista sa Lunes sa ilalim ng 20th Congress.

About The Author