![]()
Binanatan ni Vice President Sara Duterte ang Marcos administration dahil sa unemployment at lumalaking utang ng bansa.
Isinisi ng Bise Presidente ang sitwasyon ng utang at unemployment sa bansa, sa aniya’y kawalan ng focus ng Marcos administration sa mga responsibilidad nito.
Aniya, gaya ng inaasahan ay hindi naman nagta-trabaho ang buong administrasyon, lalong-lalo na ang Pangulo, kaya ganito ang nangyayari.
Reaksyon ito ni VP Sara sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury na umakyat na sa 18.49 trillion pesos ang utang ng national government hanggang noong katapusan ng Marso.
Habang naitala sa 2.58 million Filipinos, edad 15 pataas, ang walang trabaho sa kaparehong buwan.
