dzme1530.ph

DOE, NAGHAIN NG REKLAMO SA DOJ LABAN SA SOLAR COMPANY DAHIL SA NABIGONG POWER PROJECTS

Loading

Naghain na ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang Department of Energy (DOE) laban kay Batangas Representative Leandro Leviste kaugnay ng umano’y kabiguang maipatupad ang power delivery commitments ng Solar Para Sa Bayan Corporation.

Personal na inihain ni DOE Energy Secretary Sharon Garin ang reklamo na sumasaklaw din sa iba pang opisyal ng Solar Para Sa Bayan at Solar Para Sa Bayan Holdings Corp. dahil sa posibleng paglabag sa Revised Public Service Act.

Giit ng ahensya, halos pitong taon na ang lumipas mula nang mabigyan ng prangkisa noong 2019, ngunit hindi pa rin umano ito naipapaandar o nakapagbibigay ng kuryente sa mga target na lugar, at wala ring naitalang kaukulang permits o operasyon.

Noong 2019, binigyan ang Solar Philippines ng 25-taong prangkisa para magpatakbo ng solar-powered microgrid projects sa mga lugar na kulang o walang suplay ng kuryente sa bansa.

Ayon sa DOE, ang pagkaantala ng proyekto ay posibleng nakaapekto sa layunin ng mas maayos na energy access at seguridad ng kuryente sa ilang bahagi ng bansa.

About The Author