dzme1530.ph

PAGPAPALAWAK NG NET SERVICE CONTRACTING, IGINIIT

Loading

ISINUSULONG ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapalawak ng programang net service contracting ng Department of Transportation (DOTr) upang matiyak ang matatag na kita ng mga driver ng public utility vehicles (PUV), habang patuloy na pinipigilan ng mataas na presyo ng langis ang marami sa kanila na bumiyahe sa kanilang mga nakasanayang ruta.
 
Bilang chairman ng Senate Committee on Finance at ng PROTECT ad hoc panel, sinabi ni Gatchalian na handa siyang suportahan ang pondo ng programa kapag tinalakay na ng Kongreso ang supplemental budget sa ilalim ng iminumungkahing batas na Bayanihan 3.
 
Ang programa ay subsidiya mula sa gobyerno na nagbabayad sa mga operator at driver ng PUV ng takdang halaga bawat kilometro.
 
Tinitiyak nito ang matatag na kita anuman ang dami ng pasahero, habang binibigyan ang mga pasahero ng 20% diskwento sa pamasahe.
 
Ang sistemang ito na base sa performance ay nagbabawas sa panganib sa operasyon dulot ng mahal na krudo at sumasaklaw sa libu-libong ruta sa buong bansa.
 
Bagama’t ang ayuda mula sa DSWD ay nagbibigay ng ginhawa sa mga driver, binigyang-diin ni Gatchalian na prayoridad ang mapanatili sila sa kanilang mga regular na ruta upang maiwasan ang aberya sa transportasyon at hayaan silang kumita.

About The Author