dzme1530.ph

ALAMIN ANG PINAKAMAINAM NA ORAS NG PAGTULOG

Loading

Ang tamang oras ng pagtulog ay may malaking epekto sa pisikal at mental na kalagayan ng isang tao.

Inirerekomenda na matulog ang mga adult sa pagitan ng ala-10 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga upang makuha ang ideal na 7 hanggang 9 na oras ng tulog.

Ipinaliwanag na sa mga oras na ito pinaka-aktibo ang natural na “body clock” o circadian rhythm ng tao.

Sinabi ng mga dalubhasa na ang maagang pagtulog ay nakatutulong sa mas maayos na pagre-regenerate ng mga cells, pagpapalakas ng immune system, at pagpapabuti ng memorya at konsentrasyon.

Babala naman ng mga eksperto na ang madalas na pagpupuyat, lalo na lagpas hatinggabi, ay maaaring magdulot ng pagkapagod, pagtaas ng stress hormones, at pagkakaroon ng mga sakit tulad ng altapresyon at diabetes.

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets bago matulog, dahil ang asul na ilaw na nagmumula sa mga ito ay nakaaapekto sa produksyon ng melatonin—ang hormone na nagpapatulog sa atin.

Binigyang-diin ng mga eksperto na ang pagkakaroon ng regular na oras ng pagtulog at paggising ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang malusog na pamumuhay.

About The Author