dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NASA CEBU NA PARA SA 48TH ASEAN SUMMIT

Loading

Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cebu para sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, kung saan nagsisilbing host ang Pilipinas bilang chair ng international organization.

Lumapag ang sinakyang eroplano ng Pangulo sa Mactan-Benito Ebuen Air Base, 9:14 kagabi.

Ngayong Huwebes ay magkakaroon ng serye ng ministerial-level meetings, kabilang ang ASEAN Foreign Ministers’ Meeting, 31st ASEAN Political-Security Community Council Meeting, 38th ASEAN Coordinating Council Meeting, at ASEAN Joint Foreign and Economic Ministers’ Meeting.

Inaasahang dadaluhan ng senior officials at foreign ministers ng 11 ASEAN member states ang mga naturang meetings bago ang actual summit, bukas.

Sesentro ang talakayan sa regional priorities at long-term community-building agenda ng ASEAN, alinsunod sa kanilang 2045 Community Vision.

Bukas ay gaganapin ang 48th ASEAN Summit and Related Meetings, na dadaluhan ng mga lider ng member states.

About The Author