dzme1530.ph

PAG-CONVENE NG SENADO BILANG IMPEACHMENT COURT, POSIBLE PANG HARANGIN

Loading

AMINADO si Senate President Pro Tempore Panfilo Ping Lacson na may posibilidad na maharang pa ang agad na pag-convene ng Senado bilang Impeachment court sa sandaling maitransmit na sa kanila ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Ipinaliwanag ni Lacson na batay sa saligang batas at sa personal niyang paniniwala, dapat awtomatiko silang mag-convene bilang impeachment court kapag umakyat na sa kanila ang reklamo.
 
Subalit pinaghahanda anya nila na may mga kasamahan silang kukuwestyon sa pagconvene nila ng korte.
 
Kapag anya may kumontra ay magbobotohan sila at kapag nanalo angg tutol ay magiging pasya ito ng Senado bilang collegial body.

About The Author