![]()
Lumago ng mas mabilis ang factory output, sa volume at halaga, noong Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bunsod ito ng tumaas na pag-manufacture ng coke at refined petroleum products.
Batay sa resulta ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI), umakyat sa 10.5 percent ang Value of Production Index (VAPI) noong March mula sa 4.5 percent noong February.
Samantala, lumobo rin ang Volume of Production Index (VOPI) ng 7.8 percent, na mas mabilis ng 3.1 percent kumpara sa naitala noong Pebrero ngayong taon at 3.1 percent noong March 2025.
Binabantayan ng MISSI ang buwanang datos sa employment, compensation, production, net sales, inventories, at capacity utilization, para sa pagbibigay ng indicators upang ma-monitor ang performance ng manufacturing sector.
