![]()
Interesado si Kitchie Nadal na gumawa ng collaboration kasama ang SB19.
Sa Instagram, ibinahagi ng OPM icon ang video niya kasama si Jay Contreras ng Kamikazee at IV of Spades members na sina Zild Benitez at Blaster Silonga, habang nag-e-enjoy sa mga kanta ng SB19 sa Aurora Music Festival.
Sa comments section, ilang fans ang humirit na magkaroon ng collab si Kitchie at ang P-pop kings na sinagot naman ng singer ng “Louder Please!”
Sina Kitchie, SB19, Kamikazee, at IV of Spades ay kabilang sa performers sa Day 2 ng Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga.
Una nang nakipag-collab ang SB19 kina Sarah Geronimo para sa “Umaaligid,” Gloc-9 para sa “Kalakal,” at Ben&Ben para sa “Kapangyarihan.”
Nakilala naman si Kitchie sa kanyang hits na “Huwag na Huwag Mong Sasabihin,” “Same Ground,” at “Bulong.”
