![]()
70 to 80 percent na kontrolado ang sunog sa Navotas sanitary landfill, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ginawa ni MMDA Chairperson Romando Artes ang pahayag sa press conference, pagkatapos ng meeting kasama ang concerned agencies hinggil sa insidente.
Pinasalamatan ni Artes ang lahat ng tumulong, partikular ang mga operator ng sanitary landfill at mga kumpanyang nagpadala ng equipment at experts na tumulong sa pag-apula ng apoy.
Sinabi ng mga awtoridad na inaasahang maideklara ang fireout makalipas ang apat hanggang limang araw.
April 10 nang magsimula ang sunog sa Navotas landfill.
