dzme1530.ph

BRITNEY SPEARS, NAGHAIN NG GUILTY PLEA SA RECKLESS DRIVING SA KINAKAHARAP NA DUI CASE

Loading

Naghain si Britney Spears ng guilty plea sa kasong driving under the influence of drugs and alcohol para sa lesser charge na reckless driving.

Ang abogado ng pop star ang naghain ng plea para sa kanya, sa hearing sa Ventura County Superior Court sa Los Angeles. Hindi obligado ang 44-year-old singer na dumalo sa proceeding dahil isa itong misdemeanor case.

Si Britney ay orihinal na kinasuhan ng single count ng driving while under the influence of drugs and alcohol matapos maaresto ng California Highway Patrol officers noong Marso.

Hinabol ng mga pulis ang singer at sasakyan nito matapos matanggap ang report ng isang motorista na nakakita ng mabilis na pagmamaneho nito ng black BMW sa Ventura County.

Nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ay naobserbahan mula kay Britney ang signs of impairment o kawalan ng focus.

About The Author