![]()
Aabot sa mahigit 195,000 indibidwal ang nailikas ng Philippine Coast Guard o PCG kasunod ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Bicol Region.
Sa panayam kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, sinabi nitong tuloy-tuloy ang kanilang operasyon upang matulungan ang mga apektadong pamilya at matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng nakatira malapit sa paanan ng bulkan.
Nag-deploy na rin ang PCG ng dalawang water purification o desalination units sa Guinobatan at Camalig, Albay, na kayang magbigay ng hanggang 10,000 litro ng malinis na inuming tubig kada araw.
Bukod dito, tumutulong din ang mga tauhan ng PCG sa clearing operations upang alisin ang naipong ash fall sa mga kalsada at masiguro ang ligtas na pagbiyahe sa mga apektadong lugar.
