![]()
Hinimok ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang mga kongresista na panatilihin ang focus at disiplina sa pagpa-patibay ng batas ngayong nagbabalik na ang sesyon.
Nais nitong magpatuloy ang magandang performance ng chamber kung saan 52 LEDAC priority measures na ang naipasa bago ang Holy Week break last March.
Sa final streach ng First Regular Session bago ang sine die adjournment, nais nitong magpatuloy ang pagkakaisa para sa priority agenda ng administrasyon.
Aniya, ang bawat LEDAC measures na hinihingi ng Palasyo ay mahalaga sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Tiniyak ni Dy na sa ilalim ng kanyang liderato, patuloy silang makikipag tulungan sa Executive branch para itulak ang mga priority agenda ng Pang. Bongbong Marcos Jr., habang pinananatili rin ang independence ng Kapulungan.
