![]()
Itinanggi ng National Bureau of Investigation ang alegasyon na nagpapagamit ang ahensya upang habulin ang mga kritiko ng administrasyon.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, ang kanilang mga operasyon ay nakabatay sa kanilang law enforcement duties at hindi base sa political considerations.
Sinabi ni Matibag na sa kabuuang 150 successful operations ng ahensya, dalawa o tatlong kaso lamang ang sinasabing may bias.
Hindi anya tama ang mga alegasyon na tanging political opponents lamang ang kanilang inaaresto.
Nanindigan ang NBI na ang pag-aresto sa broadcast journalist na si Jay Sonza ay hindi personal kundi batay sa inisyung arrest warrant ng Pasay City Regional Trial Court.
