![]()
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang inagurasyon sa Cavite-Laguna Expressway Subsection 3.
Sinabi ng Pangulo na inaasahang bababa sa 26 minutes ang isang oras na biyahe sa pagitan ng Biñan City, Laguna at General Trias, Cavite.
Magiging libre naman sa loob ng isang buwan ang toll fee sa naturang kalsada.
Dahil sa pagbubukas ng bagong subsection, aabot na sa 26 kilometro ang haba ng CALAX mula Mamplasan entry sa Biñan, Laguna na nag-aaccommodate ng may 6,000 motorista.
Target ng kabuuang 44.6 CALAX project na maiugnay na ito sa Manila-Cavite Expressway sa Kawit sa South Luzon Expressway sa Mamplasan.
