![]()
WALANG plano ang Senado na kumuha ng private lawyers na tutulong sa impeachment proceedings sakaling umakyat na sa kanila ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na marami at sapat na ang kanilag mga abogado para sa hearing.
Kasabay nito, muling tiniyak ni Sotto na maitransmit man o hindi ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente ay nakahanda ang Senado.
Una nang sinabi ni Sotto na kapag naiakyat sa kanila ang reklamo, kinabukasan ay agad nilang ikoconvene ang Impeachment Court.
Kapag naitransmit anya sa kanila ang impeachment complaint ay muli siyang magpapatawag ng caucus para talakayin ang kanilang proseso.
