![]()
PINASASAGOT na ng Senado si Senador Ronald Bato dela Rosa kaugnay sa panukalang pagbuo ng rules para posibleng no work, no pay sa mga miyembro nilang pala-absent.
Ito ang kinumpirma ni Senate Ethics Committee chairman JV Ejercito matapos ang kanilang pulong.
Sinabi ni Ejercito na kailangan nilang makuha ang komento ng senador sa panukala bago muling pag-usapan ang reklamo.
Kasabay nnito, kinumpirma ng senador na apat sa siyam na ethics complaint laban sa mga senador ang ibinasura na ng kumite dahil sa kawalan ng malinaw na basehan.
Sinabi ni Ejercito na kabilang sa naibasura ang reklamo laban sa kanya.
Tatlo naman sa mga reklamo ang na-defer ang pagpapasya ng kumite habang sa dalawa ay hinihintay pa sagot ng government agency na may kaugnayan sa isyu.
Nilinaw ng senador na ang mga naibasura na reklamo ay maaari pa muling i-file.
