dzme1530.ph

CUP OF JOE, NAKAKUHA NG NOMINASYON PARA SA BEST SONG ASIA SA MUSIC AWARDS JAPAN

Loading

Na-nominate ang “Multo” na hit song ng OPM band na Cup of Joe, bilang Best Song Asia sa ikalawang Music Awards Japan.

Ang seremonya na inorganisa ng Culture and Entertainment Industry Promotion Association ng Japan ay nag-debut noong nakaraang taon para kilalanin ang musical talents hindi lang sa loob ng bansa kundi maging sa Asia at Western regions.

Napabilang ang “Multo” sa mga napili para sa kategorya, at naungusan ang iba pang mga kanta mula sa iba’t ibang panig ng Asya, kabilang ang dalawa pang Filipino songs na “Marilag” ni Dionela at “Tibok” ni Earl Agustin.

Matinding kompetisyon ang kakaharapin ng Cup of Joe sa Best Song Asia, na isa sa six major categories, laban sa Grammy and Oscar winner na “Golden” mula sa Netflix animated movie na “KPop Demon Hunters.”

About The Author