dzme1530.ph

HANGGANG DALAWANG BAGYO, MAARING PUMASOK O MABUO SA BANSA NGAYONG MAYO

Loading

Isa hanggang dalawang bagyo ang maaaring pumasok o mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo.

Ayon sa PAGASA, maaaring mag-landfall ang mga posibleng bagyo ngayong buwan sa Eastern Visayas at dumaan sa Southern Luzon, subalit maaari pang magbago ang kanilang direksyon.

Idinagdag ng state weather bureau na posible ring mabago ang direksyon ng mga bagyo, depende sa umiiral na atmospheric conditions.

Sa ngayon ay walang namo-monitor na anumang tropical cyclone o low pressure area sa loob man o sa labas ng PAR.

Sinabi ng PAGASA na easterlies pa rin ang umiiral na weather system na nakaaapekto sa bansa, at patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw.

About The Author