![]()
Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng employers na bigyan ng tamang kompensasyon ang mga manggagawang pumasok sa trabaho ngayong Mayo Uno na regular holiday.
Kasabay nito ay naglabas ang kagawaran ng pay guidelines para sa Labor Day, kung saan dapat makatanggap ang mga empleyadong nag-report sa trabaho ng 200% ng kanilang regular na arawang sweldo.
Ang mga hindi naman pumasok ay makatatanggap ng 100% ng kanilang sahod, habang ang mga lumagpas sa walong oras na duty ay makatatanggap ng additional 30% ng kanilang hourly rate.
Kapag pumasok ang empleyado at natapat ito sa kanyang rest day, dapat itong bayaran ng employer ng additional 30% ng kanyang 200% basic wage.
