![]()
Bukod sa cyberlibel, nahaharap din sa kasong paglabag sa Revised Penal Code ang broadcast journalist na si Jay Sonza.
Ito ang nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag matapos nilang arestuhin si Sonza sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court.
Iginiit ni Matibag na agad nilang ipinatupad ang warrant of arrest matapos itong iisyu ng korte upang maiwasan ang pagtakas pa ng broadcaster.
