![]()
Nagbigay pugay si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa mga mangagawa sa Pilipinas at sa abroad ngayong Labor day.
Tinawag ni Dy ang mga manggagawa bilang “true blood of the nation,” kaya sa Kamara patuloy umano nilang tinutugu-nan ang kapakanan ng mga obrero.
Sa House Committee on Labor and Employment na pinamumuan ni Cavite Rep. Jolo Revilla, aprubado ang National Wage bill.
Kung ganap na maging batas magiging iisa na lamang ang rate ng pasahod sa buong bansa.
Bubuwagin na rin ang anila ‘walang silbing Regional Wages and productivity Board’ na hindi umano kaylanman pumanig sa kalagayan ng mga arawan ang kita.
