dzme1530.ph

PSYCHOLOGICAL FITNESS NI VP SARA DUTERTE, KINUWESTYON NG ISANG KONGRESISTA

Loading

Kinuwestyon ni Manila Cong. Joel Chua ang “psychological fitness” ni Vice President Sara Duterte na nangangarap pamunuan ang bansa.

Ito’y matapos na lumabas ang iba’t ibang videos at controversial statements ng pangalawang pangulo na may troubling pattern ng violent rhetoric.

Punto ni Chua, second highest official ang VP, at ano mang banta sa head of state ay malinaw na national security concern.

Sa succession of powers, si Duterte ang hahalili sakaling may mangyari sa pangulo, kaya kailangang tingnan ang psychological condition nito.

Hindi lang umano ito dito sa Pilipinas naibalita kundi maging sa international media o sa buong mundo dahil nga sa hindi ito ordinaryong balita o gawain o salita ng isang bise presidente.

Kailangan din umanong malaman ng sambayanang Pilipino kung handa ba siyang mamuno, hindi lang sa papel kundi sa asal, sa pag-iisip, at sa kakayahang magdesisyon nang may katinuan.

About The Author