dzme1530.ph

INFLATION AT DAGDAG SAHOD, PANGUNAHING ALALAHANIN NG MGA PINOY

Loading

Bago pa man magsimula ang tensyon sa Middle East, pangunahing alalahanin na ng mga Pinoy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo gayundin ang hiling na itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Ito ay batay sa resulta ng tugon ng MASA survey na isinagawa noong March 19 hanggang 25.

Sa survey, 45 percent ng mga Pinoy ang nagsabing top urgent national concern nila ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Sumunod dito ang salary increase na may 33 percent; katiwalian sa gobyerno, 26 percent at access sa murang bilihin tulad ng bigas, gulay at karne, 24 percent.

Ang ilan pang alalahanin ng mga Pinoy ay ang kahirapan, 20 percent at pagkakaroon ng libreng de-kalidad na edukasyon, 17 percent.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents.

About The Author