dzme1530.ph

PNP, NAKA-FULL ALERT SA MGA PROTESTA NGAYONG ARAW NA ITO

Loading

Nasa full alert status ngayon ang Philippine National Police kaugnay sa iba’t ibang aktibidad ng mga labor group sa paggunita ng Araw ng Paggawa.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño na kabuuang 106,000 na tauhan ang naka-deploy sa buong bansa para tiyakin ang seguridad sa iba’t ibang lugar.

Nilinaw naman ni Tuaño na wala silang natatanggap na banta subalit bahagi anya ng kanilang trabaho ang pagtiyak na magiging maayos ang lahat ng programa ngayong araw na ito.

Iginiit ng opisyal na handa ang mga kagawad ng PNP na panatilihin ang peace and order kasabay ng mga lawful assemblies.

About The Author