dzme1530.ph

60-day extension para sa sim registration, sapat na —Rep. Co

Sapat na ang 60 araw o dalawang buwan sakaling palawigin ang sim registration.

Ito ang sinabi ni Party-List Coalition President at Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co, bagamat nakasaad sa batas na maaaring palawigin ang pagpaparehistro ng 120 araw.

Paliwanag ng mambabatas, ito’y dahil ang mas mahabang extension ay posibleng magresulta sa pagiging kampante ng publiko at lalong hindi magpatala.

Bago ito, una nang umapela si Co na dagdagan ang mga identification document na maaaring ipresinta sa sim registration dahil ito ay isa sa nagpapabagal ng pagpaparehistro.

Nabatid na sa April 26 nakatakdang matapos ang pagpapatala alinsunod sa Sim Registration Law ngunit marami pa rin sa mga subscriber ang hindi pa tumatalima. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author