![]()
Nagsimula nang maglayag ang Atin Ito Coalition para sa anim na araw na misyon sa West Philippine Sea bilang pakikipaglaban para sa soberanya ng bansa.
Nagsimula ang misyon sa ceremonial singing ng Lupang Hinirang matapos umalis sa pantalan ang barkong sinasakyan ng mga miyembro ng koalisyon.
Lulan ang Atin Ito Coalition members ng MV Kapitan Felix Oca at ng support boat na ML Chowe para sa ikaapat nilang civilian mission na tinawag na ‘Balik-Pag-asa’.
Ayon kay Atin Ito Co-Convenor at Commander Rafaela ‘Paeng’ David, magsasama-sama ang 180 participants para sa misyon mula April 30 hanggang May 5.
Kasama sa misyon ang patriotic jetski flag ride sa Pag-asa Island na pangungunahan ni Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula.
Bibitbitin ni Ismula ang bandera ng Pilipinas sa kanyang jetski ride bilang pagdiriin ng sovereign rights ng bansa.
