![]()
Matapos ang tatlong linggong rollback, posibleng tumaas muli ang presyo ng diesel at iba pang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ng Department of Energy sa paliwanag na pangunahing rason nito ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, batay sa early trends sa global oil trading, namumuro ang dagdag presyo.
Batay sa trading sa Mean of Platts Singapore, posibleng madagdagan ng piso hanggang tatlong piso ang presyo ng bawat litro ng diesel habang ang presyo ng kada litro ng gasolina ay maaaring tumaas ng piso hanggang dalawang piso.
