dzme1530.ph

BAGONG ALBUM NA “PETAL” NI ARIANA GRANDE, ILALABAS SA HULYO

Loading

Inanunsyo ni Ariana Grande sa social media ang nakatakdang release ng kanyang eighth studio album na Petal sa July 31.

Ang teaser photo ay isang black-and-white closeup portrait ni Ariana na nakangiti at natatakpan ng buhok ang halos kalahati ng kanyang mukha.

Sa hiwalay na post na ibinahagi nitong Abril, inilarawan ng Grammy-winning pop star ang kanyang upcoming album bilang “something that is full of life and growing through the cracks of something cold and hard and challenging.”

Ni-release ni Ariana ang kanyang pinakahuling album na Eternal Sunshine noong 2024 at sinundan ng deluxe version nito noong 2025.

Nagpahinga ang pop star sa music para gampanan ang role na Glinda sa musical films na Wicked at Wicked: For Good.

Nakatakda ring bumida si Ariana sa pelikulang Focker-In-Law na ipalalabas sa Nobyembre.

About The Author