![]()
NATUKLASAN ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may mga ghost drivers na nakasama sa listahan ng Transportation Network Companies.
Ito ang kinumpirma ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pagdinig ng Senate Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy o PROTECT Committee.
Sinabi ni Gatchalian na ang modus ay may doble at tripla ang mga pangalan gaya ngunit nilagyan ng Junior ang isa kaya’t nagmumukhang magkaiba.
Sa kabuuan ay 80 percent ng mga drivers lamang ang malinis ang record habang ang 20 percent ay itinuturing na ghost drivers dahil ang iba ay expired ang Driver’s License habang ang iba ay wala talagang lisensya.
Kung hinid anya nila masusing sinuri ang listahan na isinumite sa kanila ng iba’t ibang TNC ay nalugi ang gobyerno ng P2.7 billion.
Ito anya ang dahilan kung bakit kailangang pumila ang mga drivers sa pagkuha ng ayuda sa halip na ipadala lang sa kanila sa pamamagitan ng mga Electronic Wallet para matiyak ang kanilang pagkatao.
Ang DSWD ay nakapagdistribute na ng Ayuda sa 1.1 PUV Drivers na nagkakahalaga ng P5.7 Billion.
