![]()
KINUMPIRMA ni Senate PROTECT Committee Chairman Sherwin Gatchalian na pahaharapin niya sa pagdinig ngayong araw na ito ang Energy Regulatory Commission at Meralco upang ipaliwanag ang tumaas na singil sa kuryente.
Ito ay matapos mapansin ni Gatchalian na tumaas ang generation charge ng Meralco.
Kasabay nito, muling iginiit ni Gatchalian sa ERC na huwag payagan na gawing isang bagsakan ang dagdag na singil sa kuryente ng mga consumers at utay-utayin ito.
Babala ni Gatchalian na posible pa ang panibagong “bill shock” sa susunod na buwan dahil ang increase ngayon sa Meralco ay dahil sa pagtaas ng foreign exchange.
Sinabi ng senador na wala pa ang epekto ng oil crisis sa kasalukuyang pagtaas sa singil sa kuryente kaya kapag pumasok na ang pagtaas sa coal, sa liquefied natural gas at iba pang presyo ay tiyak ang pagtaas pa sa bill.
Tinukoy ni Gatchalian na may kapangyarihan ang ERC na unti-untiin ang dagdag sa singil lalo’t nagawa naman na ito noong pandemya dahilan kaya naiwasan noon ang bill shock.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian:
