dzme1530.ph

BIR, SINIMULAN NA ANG TAX AUDIT SA MAG-ASAWANG VP SARA AT ATTY. MANS CARPIO, AT 9 PANG KUMPANYA

Loading

Ipinag-utos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsasagawa ng tax audits kay Vice President Sara Duterte at sa asawa nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio.
 
Kasunod ito ng impormasyong iprinisinta sa impeachment hearings laban sa Bise Presidente noong nakaraang linggo.
 
Ayon sa BIR, naglabas sila ng Letters of Authority (LOA) para sa tax audits nina VP Sara, Carpio, at sa siyam na kumpanya na may kaugnayan sa kanila.
 
Sinabi ng kawanihan na isinaalang-alang nito ang testimonya ng Office of the Ombudsman sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth ng Vice President, pati na ang reports mula sa Anti-Money Laundering Council, sa impeachment hearings ng House Committee on Justice.
 
Nilinaw naman ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na ang LOA ay hindi konklusyon ng pananagutan, subalit kinakailangang hakbang ito sa pagtukoy ng tamang buwis na dapat bayaran.

About The Author