dzme1530.ph

MGA DOKUMENTO PARA MAG-ISYU NG RED NOTICE LABAN KAY DATING CONG ZALDY CO, NAISUMITE NA SA INTERPOL

Loading

Naisumite na ng Philippine Center on Transnational Crime o PCTC ang sangkaterbang dokumento na kailangan ng Interpol upang makapag-isyu ng red notice laban kay dating Cong. Zaldy Co.

Ito, ayon kay Romeo Prestoza, ay kahit natuklasan nilang wala na sa kustodiya ng Czech authorities si Co.

Sa kabilang dako, inanunsyo ni Justice Secretary Frederick Vida na nagkasundo ang Pilipinas at Czech Republic na simulan ang formal negotiations para sa law enforcement, kabilang na ang extradition.

Tiwala rin ang kalihim na maiuuwi rin sa bansa si Co upang harapin ang mga kasong may kaugnayan sa anomalya sa flood control projects.

About The Author