dzme1530.ph

DANIEL PADILLA, IPINAGDIWANG ANG 31ST BIRTHDAY KASAMA SI KAILA ESTRADA AT KANYANG PAMILYA

Loading

Ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang 31st birthday sa pamamagitan ng intimate gathering kasama ang napapabalitang girlfriend na si Kaila Estrada, kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Kumalat sa online ang mga litrato at maiikling videos, kung saan magkasama sa selebrasyon sina Daniel at Kaila, gayundin ang mga miyembro ng pamilya ng aktor.

Nakuha rin ang relaxed moments ng dalawa at habang komportableng nakikipagkwentuhan sa mga guest.

May picture din si Kaila habang masayang nakikipag-usap sa ina ni Daniel na si Karla Estrada, pati na sa mga kapatid ng aktor na sina Magui at Lella Ford.

Bagaman hindi pa kinukumpirma nina Daniel at Kaila ang kanilang relasyon, maraming beses nang nakitang magkasama ang dalawa sa iba’t ibang okasyon simula noong huling bahagi ng 2025.

About The Author