![]()
Dumadami ang mga nagtatanong tungkol sa “hormonal belly,” terminong karaniwang ginagamit upang ilarawan ang paglaki ng tiyan na iniuugnay sa hindi balanseng hormones sa katawan.
Hindi pa itinuturing na official diagnosis ang hormonal belly, ngunit maaari itong maiugnay sa mga kondisyon na nakaaapekto sa hormones tulad ng stress, menopause, at problema sa thyroid.
Kapag may imbalanced hormones, maaaring maapektuhan ang metabolism at pag-iipon ng taba, lalo na sa bahagi ng tiyan.
Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang mataas na antas ng cortisol o “stress hormone.”
Kapag palaging stressed ang isang tao, maaaring humantong ito sa pagdagdag ng taba sa abdomen.
Sa mga babae, ang pagbaba ng estrogen sa panahon ng menopause ay maaari rin magdulot ng paglipat ng taba patungo sa tiyan.
Bukod dito, ang kakulangan sa tulog, hindi balanseng diyeta, at kawalan ng ehersisyo ay maaari ring magpalala ng paglaki ng tiyan.
Pinapayuhan ng mga doktor na huwag agad umasa sa mga “quick fix” o supplement na nangangakong matutunaw ang taba sa tiyan.
Sa halip, mas mainam ang pagtutok sa malusog na pamumuhay—kabilang ang tamang nutrisyon, regular na pag-eehersisyo, sapat na tulog, at pamamahala ng stress.
Mahalaga rin ang pagkonsulta sa doktor, lalo na kung may hinalang may kaugnayan ito sa Thyroid disorders o iba pang kondisyong medikal.
