dzme1530.ph

ALAMIN ANG BENEPISYO NG ICE WATER BATH

Loading

Pinag-uusapan ngayon ang mga benepisyo ng ice water bath o paglulubog ng katawan sa malamig na tubig, lalo na sa mga athlete at mga indibidwal na naghahanap ng paraan para mapabilis ang pag-recover ng katawan.

Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ang ice bath sa pagbabawas ng pamamaga ng mga kalamnan matapos ang matinding ehersisyo.

Dahil sa lamig ng tubig, sumisikip ang mga ugat ng dugo na nakatutulong upang mabawasan ang swelling at pananakit.

Sinasabi rin na maaari itong makatulong sa pagpapabilis ng paghilom ng mga micro-tears sa kalamnan, na karaniwang nangyayari matapos mag-ensayo.

Dahil dito, mas mabilis ang pagbalik ng lakas at performance ng isang tao.

Bukod sa pisikal na benepisyo, nakatutulong din ang ice water bath sa mental alertness at pagbaba ng stress.

Ang biglaang lamig ay nagiging sanhi ng paglabas ng mga hormone na may kaugnayan sa mood at enerhiya.

Gayunman, paalala ng mga doktor na hindi ito para sa lahat.

Ang mga may kondisyon sa puso, altapresyon, o iba pang sensitibong kalagayan ay dapat mag-ingat at kumonsulta muna sa doktor bago subukan ang ganitong paraan.

Inirerekomenda rin na limitahan lamang sa ilang minuto ang pagbababad sa malamig na tubig upang maiwasan ang posibleng peligro tulad ng Hypothermia.

About The Author