dzme1530.ph

ITEMIZED CHARGES SA ELECTRICITY BILLS, APRUBADO NG REGULATORS BAGO IPINATUPAD, AYON SA MERALCO

Loading

Nilinaw ng Meralco na aprubado ng regulators ang lahat ng itemized charges sa monthly electricity bills ng mga customers, kabilang ang senior citizen at lifeline rate subsidies, bago nila ito ipinatupad.

Sinabi ng kumpanya na ilang bahagi ng bill ay napunta sa mga programa ng gobyerno para makatulong sa low-income at vulnerable consumers.

Habang ang iba pang charges ay ginamit para suportahan ang renewable energy projects, gaya ng solar at wind para matulungan ang bansa sa pag-shift sa mas malinis na enerhiya.

Binigyang-diin ni Joe Zaldarriaga na gaya ng ibang electricity distributors sa bansa, sila ay nag-o-operate sa ilalim ng mahigpit na regulatory oversight.

Tinitiyak nito na lahat ng charges ay lawful, transparent, at properly vetted.

About The Author