![]()
Humihingi ng paliwanag si Bayan Muna Chairman Atty. Neri Colmenares sa pagsulpot ng senior citizen subsidy at lifeline subsidy sa Meralco bill.
Nagulantang ang mga consumers sa biglang paglaki ng April bill o “bill shock” sa Meralco, at ang masakit nito pati ang system loss na ipinapataw ay may VAT din.
Tanong ni Colmenares sa Meralco, bakit sa consumers nila ipinapapasan ang “senior citizen subsidy” at “lifeline rate subsidy” gayung gobyerno ang nagpopondo nito.
May hinala ang dating mambabatas na baka pinababayaran ito ng pamahalaan sa paraan ng tax deduction o rebate.
Ang Meralco ayon kay Colmenares ay may 8.11 million customers, samantalang 334,000 naman ang household na tumatanggap ng lifeline subsidy.
Sa pagtaya ni Colmenares, nasa 23.3-M monthly o P279-M sa isang taon ang koleksyon sa lifeline at seniors subsidy kung ipe-peg na lang ito sa 3 pesos per customer.
Para kay Colmenares, hindi katanggap-tanggap na sa taumbayan nila ito ipapasan, gayung may inaaprubahang pondo para diyan ang Kongreso.