![]()
Maling strategy umano ng kampo ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio ang paghahain ng kasong paglabag sa Bank Secrecy Law kaugnay ng paglalantad ng kanilang mga bank transactions sa Kamara.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan na nagulat siya sa naging aksyon ni Carpio, na isa ring abogado.
Lumilitaw aniya na sa naturang reklamo ay inamin na rin na sa kanila ang mga naturang transaksyon.
Ipinaalala rin ni Kapunan na exempted o hindi saklaw ng Bank Secrecy Law ang impeachment case.
Kinontra rin niya ang pahayag ni Carpio na absolute ang Bank Secrecy Law, dahil mayroon itong limang exceptions.
