![]()
Nakumpleto na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang distribusyon ng 135 million pesos na fuel subsidy sa mga taxi drivers.
Kabuuang 5,440 taxi drivers ang nakatanggap ng tig-limang libong piso.
Pinalawig pa ang distribusyon noong Sabado hanggang alas-nueve ng gabi upang matiyak na mabibigyan ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo.
Kinumpirma naman ng LTFRB na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Energy, Land Bank of the Philippines, at iba pang sektor para naman sa implementasyon ng sampung piso kada litro na diskwento sa mga PUV sa buong bansa.
Sa gitna pa rin ito ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.
