![]()
Dumating sa Batasang Pambansa sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Ombudsman Jesus Crispin Remulla upang dumalo sa pagdinig sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Hiniling ng House Justice Committee kay Trillanes na isumite ang original o certified true copies ng mga hawak niyang dokumentong may kinalaman sa alegasyon nito ng unexplained wealth laban sa Bise Presidente.
Inaasahan ding magbibigay ng testimonya ang dating senador sa mga alegasyon ng ilang bank accounts na may daang-daang milyong deposito ang Vice President.
Dumalo rin sa pagdinig si Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Isinubpoena ng komite ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni VP Sara.
