dzme1530.ph

BLOOD SUGAR LEVEL, TUMATAAS KAPAG TAG-INIT, ALAMIN KUNG BAKIT

Loading

Nagbabala ang mga health expert na mas posibleng tumaas ang blood sugar ng mga indibidwal, lalo na ang may diabetes, sa panahon ng tag-init.
 
Ayon sa mga doktor, ang high temperature ay nakaaapekto sa kakayahan ng katawan na i-control ang glucose levels.
 
Kapag sobrang init, mas madaling ma-dehydrate ang isang tao, na nagiging sanhi ng pagtaas ng blood sugar dahil sa mas malapot na dugo at hindi epektibong paggamit ng insulin.
 
Dagdag pa rito, ang mga pagbabago sa routine tuwing tag-init—tulad ng pag-inom ng matatamis na inumin, halo-halo, at iba pang high-sugar foods—ay nakakadagdag sa panganib ng hyperglycemia.
 
Ipinapayo ng mga eksperto na ugaliing uminom ng sapat na tubig, iwasan ang sobrang matatamis na pagkain at inumin, at regular na magmonitor ng blood sugar levels.
 
Mahalaga rin ang pananatili sa malamig na lugar at pag-iwas sa matagal na bilad sa araw.
 
Para naman sa mga umiinom ng gamot o insulin, pinapaalalahanan na tiyaking maayos ang pag-iimbak nito, dahil ang sobrang init ay maaaring makasira sa pagiging epektibo ng mga ito.

About The Author