![]()
SUPORTADO ng liderato ng Senado ang desisyon ng gobyerno na magtakda ng minimum na halaga ng rolback at maximum na presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng State of National Energy Emergency.
Sinabi ni Sotto na anumang aksyon ng pamhalaan na makakatulong sa pagbabawas ng hirap ng taumbayan ay kanyan sinusuportahan.
Gayunman, muling iginiit ni Sotto na panahon na upang ibasura o amyendahan ang Oil Deregulation Law upang maibalik ang kapangyarihan ng gobyerno na malaman ang tunay na presyuhan ng mga produktong petrolyo.
Samantala, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na dapat lamang gamitin ng pamahalaan ang kapangyarihan nito para sa kapakanan ng publiko.
Kailangan lamang anyang matiyak na makatwiran ang computation ng Department of Energy sa pag-aadjust ng presyo.
Kung tutuusin anya ay maaari pa ngang pansamantalang itake over ng gobyerno ang mga kumpanya ng langis.
