dzme1530.ph

DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, HINDI PAPAYAG NA MAGING SCAPEGOAT

Loading

Hindi papayag si Leyte Cong. Martin Romualdez na maging scapegoat para lang makawala sa pananagutan ang iba.
 
Sa media statement na inilabas ni Romualdez, sinabi nito na kung ito man ay political play para itulak siya para matapos ang kwento at sirain ang kanyang pangalan at reputasyon, tahasan nitong sinabi na hindi na siya mananahimik.
 
Hindi umano siya papayag na naging fall guy para sa ibang katiwalian.
 
Marami umano siyang nalalaman sa kasalukuyan at sa mga nagdaang administrasyon.
 
Aniya, kung ang isyung ito ay idadaan sa ligal na proseso, dapat gawin itong maayos at nakabase sa ebidensya.
 
Subalit kung may ibang tao na gagamitin ang isyu para sa public opinion, handa nya umanong ipagtanggol ang sarili.
 
May mensahe rin si Romualdez sa Ombudsman, kung ito aniya ay naniniwala sa katarungan, sundan lang nito ang sworn statements, sunadan ang records, tingnan ang ebidensya at sundin ang rule of law at due process.
 
Dagdag pa ni Romualdez, kung akala ng iba na pwede na siyang basta ihagis sa labas para makaligtas sa pananagutan, ito ang kanyang mensahe, handa na akong ipagtanggol ang aking sarili./
 
Ang kanya umanong pananahimik ay hindi nangangahulugan na siya ay mahina, ignorance o takot, alam nya umano kung paano idedepensa ang sarili.
 
At kung pupwersahin siyang gawin ito sa publiko, kanya itong gagawin.

About The Author