![]()
Nanindigan si US President Donald Trump na hindi nito aalisin ang barikada sa Iranian ports hangga’t walang nabubuong deal kasama ang Tehran.
Sa gitna pa rin ito ng kawalan ng katiyakan kung magkakaroon ng panibagong negosasyon upang matapos na ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Sa kanyang social media platform na Truth Social, sinabi ni Trump na nakasisira nang husto sa Iran ang blockade na nagsimula noong nakaraang linggo, at lamang na lamang ang kanyang bansa.
Ginawa ni Trump ang komento sa gitna ng US-Iran ceasefire, subalit hindi pa tiyak kung matutuloy ang second round ng peace talks sa Pakistan.
