![]()
TINIYAK ni Senate President Vicente Tito Sotto III na forthwith o agad-agad nilang aaksyunan ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa sandaling iakyat na ito sa kanila ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa impormasyon ni Sotto, sa April 29 target iwrap up ng House Committee on Justice ang impeachment proceedings kaya’t sa kanyang pagtantya ay maaaring magbotohan ang Kamara sa unang linggo ng Mayo.
Binigyang-diin ni Sotto na kapag naiparating sa kanya ang Articles of Impeachment ay agad niya itong ipapaalam sa plenaryo at irerefer sa Committee on Rules.
Agad din nilang ikoconvene ang Impeachment Court upang masimulan ang lahat ng preparasyon kasama na ang pre-trial bago umusad ang trial proper.
Nilinaw pa ni Sotto na bahagi ng kanilang mandato ang paghahanda sa impeachment kaya’t hindi anya maituturing na premature ang anumang hakbang na kanilang isinasagawa kaugnay impeachment laban sa Bise Presidente.
