![]()
Hindi bababa sa 28.6 hectares ang nasunog sa Navotas sanitary landfill hanggang noong Huwebes, ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA).
Sa statement, sinabi ng PhilSA na batay sa nakunang satellite images, anim na araw matapos sumiklab ang sunog, tinaya sa 28.56 hectares o nasa 285,000 square meters na lote ang naapektuhan.
Ayon sa ahensya, bahagyang mas malaki ang naturang area kumpara sa Quezon Memorial Circle.
Una nang inihayag ng PhilSA na ang usok mula sa malaking sunog sa landfill ay umabot na sa Bataan.
Nagsimula ang sunog noong April 10 at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayong Martes.