![]()
NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na magpaliwanag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board hinggil sa hindi updated na listahan ng mga driver ng Public Utility Vehicles.
Plano ni Gatchalian na magpatawag ng pagdinig upang matukoy ang dahilan ng mabagal na pag-update at paglilinis sa listahan.
Binigyang-diin ng senador na ang listahan ng LTFRB ang ginagamit na batayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa mga tsuper.
Batay sa impormasyon ng senador, marami ang nagrereklamo na may discrepancies sa records ng LTFRB at DSWD kaya natatagalan nag distribusyon ng ayuda.
Umapela rin ang senador sa DSWD na bigyan ng special consideration ang makikitang tunay na tsuper na pumipila sa payout of distribution centers.
