![]()
Umarangkada na ang panibagong tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela at Piston.
Nagtitipon-tipon ang mga miyembro ng dalawang transport groups sa Philcoa area sa Quezon City.
Isinusulong ng grupo ang sampung pisong dagdag pasahe upang maiakyat ang minimum jeepney fare sa 23 pesos mula sa kasalukuyang 13 pesos.
Ayon sa grupo, sa kabila ng magkakasunod na rollback, patuloy pa ring naghihirap ang mga driver dahil sa mataas na presyo ng diesel.
Iginiit ng Piston na ang presyo ng diesel ngayon ay labis na mataas kumpara sa presyo nito noong ipinatupad ang kasalukuyang pamasahe na trese pesos simula noong 2023.
Binigyang-diin naman ng Manibela na dapat maibaba ang presyo ng diesel sa 55 pesos kada litro upang makapagpatuloy sila sa operasyon.
