![]()
IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mas kailangan ang reporma kaysa tuluyang buwagin ang mga youth leadership programs gaya ng Sangguniang Kabataan o SK.
Ayon sa senador, hindi ang mismong programa ang problema kundi kung paano ito pinatatakbo at sinusuportahan.
Una nang umugong ang usapin sa posibleng pag-abolish o pagpapaliban ng SK elections, pero tutol dito ang senador.
Hindi anya sa kabataan nanggagaling ang problema kundi sa impluwensya ng nakatatanda.
Para sa senador, mas dapat pang palakasin ang mga ganitong institusyon para sa kabataan.
Idinagdag pa niya na mahalaga ang pagkakaroon ng training programs pero kulang ito sa suporta.
Iginiit pa ni Cayetano na dapat ituring na long-term investment ang youth leadership programs dahil dito hinuhubog ang susunod na leader ng bansa
